Pages

Tuesday, May 31, 2011

Nakakapagod Din

Ang daming emosyong dumadaloy sa akin ngayon. Saya. Pangamba. Panghihinayang. Poot. Pagkabagabag.

Ito na ba talagang ang tunay na "quarter life crisis" phase ng buhay ko?

Magsa-siyam na buwan na ako sa Convergys, lima naman sa Japanese school. Pero parang dead ends at brick walls na lang ang nasa harap ko. Pag lumilingon tuloy ako, nalulungkot ako kasi ang ganda ng plano ko. Ang pangarap ko maging isang guro. Oo, isang guro. Mahirap man paniwalaan, pero pinangarap ko maging isang guro. At matapos ang aking Masteral. At maging bihasa sa larangan na, kahit hindi ko man pinili para sa sarili ko, ay minahal ko na rin.

Cheesy. Oo, cheesy na kung cheesy. Akala ko rin kasi madali ang buhay pagkatapos gumraduate sa kolehiyo.

Nakakalungkot lang isipin na kung gaano kaganda ang plano ko, hindi ko rin naman ito nasusunod sa aking buhay. Ang dami kong gustong gawin, pero hindi ko alam kung paano magsisimula.

Dagdag pa diyan ang mga taong pampagulo lang sa mundo. Hindi na sila nagsawa sa kanilang "walang kwentang kapararakan". Paumanhin, pero magiging pranka lang ako ngayon. Minsan lang naman akong nagkakaganito - ultimong blog post ko e Tagalog na. Hinihiling ko na lang na tumahimik kayo ng biglaan. Ng parang wala na lang. Sa simula naman kasi e wala lang din naman ang pinagmulan nito, hindi ba? Subukan niyo kaya tahakin ang tinatakak ko ngayon, tingnan niyo lang kung makangiti pa kayo!

Ang gulo ng buhay ko ngayon. Akala lang ng lahat okay ako, kasi hindi ko pinapakitang hirap ako e. Emotionally, mentally, physically.

Hindi ko alam ang gusto ko.
Hindi ko alam ang patutunguhan ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Mahirap.
Masakit.
Magulo.
Ayoko na.

Pero sabi ko nga sa isa kong matalik na kaibigan, "You can't quit life."

At sabi naman niya'y, "Because if our life will be filled with all those things, we won't be strong."

Sana nga totoo. Sana talaga.

No comments:

Post a Comment