Pages

Friday, September 30, 2011

OoTD (Outfit of the Day)

While waiting for my student, I decided to take a webcam photo of myself wearing the shirt he gave the other day. Ang galing, sakto! :)

**So, my best friend Ancel just told me I look like a grade schooler in this picture. Hindi kaya! :| What do you think? :)

Wednesday, September 28, 2011

How Sweet It Is

... you know :)

This definitely relieved me from stress after a few hour's worth of extreme emotions at work (oo, feeling ko nakaka-split personality ang **).


Thanks, boypren! Hehe! Hug! <3

Si Pedring

... ay praning.

One day, isang araw - I went to work, as usual.

Sabi sa balita sa TV't radyo, may bagyo.

Bagyo bagyo, what's new sa Pinas? Pero teka, bakit si kuya traffic enforcer sa The Fort - nakakapit na sa poste?

Shemay. Ang lakas ng hangin! Pati kotse namin e niyanig. Abnormal pa ang buhos ng ulan!

Pero syempre, fresh pa rin akong dumating ng opisina... wahaha! :)

>>>

Nagko-call ako ng **, kapagod. Ngunit mula sa kinatatayuan ko'y tanaw ko ang malakas na ihip ng hangin na literal na sinasampal ang walang kalaban-laban na puno sa labas. Yikes!

Sabay text ni boypren na hindi naka-barge in sa trabaho. Sabay text din ni nanay ng mga 'updates' sa balita.

ANG LAKAS NA DAW NG HANGIN DULOT NG BAGYO.

Hanep. Nasa opisina pa rin ako. Alas-nuebe ng umaga. So kamote.

Syempre, dial pa rin. Baka malagot kay bisor e! *peace*

>>>

Dahil fresh from Bohol si Neil, eto ang dala-dala niya sa opisina. Sinasabi ko na nga ba! O, hello there Tarsier!


>>>

Makalipas ang ilang minuto, nagsasayawan na kami sa likod --- literally. Oo, ang korny namin. E, kelangan ng good vibes habang nagtatrabaho, bakit ba? :)

Alas-diyes ng umaga. Clock out - o kay saya! Sakto, 20-minute break na!

>>>


(Silent Hill este Ayala Business District pala. Ghost town?
Hindi naman masyado, may taxi pa e!)

Sabi ni nanay at tatay e wag na daw muna ako umuwi, delikado. Nagsibagsakan na raw ang mga billboard sa kalye. Sa isip ko naman, "Grabe naman yung billboard, aabot pa ba sa loob ang mga 'yun sa Ayala Business District?" Pero sige na nga, sabi ni madam Carla e tumambay na lang daw kami sa VIPinoy Lounge. Sakto. Maka-edit nga ng blog entry (see The Longest Date Ever).

Trenta minutos.

Kwarenta'y singkong minutos.

Walang nagkikibuan sa lounge. Hanep! Nag-internet lang, wala nang nag-uusap?!?!

>>>

Makalipas ang dalawang oras, nagutom na rin ako. Tama na ang drama namin ni madam na, "Busog pa kami, Skyflakes na lang".

Lezgow to Chef d' Angelo's!


Yay. Eat-all-you-can lunch!

Kwento kwento. Marami-raming kwento talaga.

Sabay nawalan ng kuryente sa Glorietta 5. Teka. Biro lang daw, bumalik e. Tuloy ang kwentuhan. Ay wait, nawala ulit - mas matagal kaysa kanina. Hays!

Uwi na daw kasi. Eto na. Fine. Uuwi na po!

>>>

At d'yan nagtatapos ang not-so-challenging day ko with Pedring. Close? Mas close kasi kami ni Ondoy noong 2009 e! Isipin mo ang labing-tatlong oras na magkasama kami sa lansangan ng Maynila. Awarddd!

Hanggang sa susunod na pagpapanggap namin ni madam Carla bilang "may ari ng shopping mall".

Bow.

Dismissal: 4:30 ng hapon

When Pictures Paint A Thousand Words

Just a while ago, I was browsing one of my friend's Tumblr account. But unfortunately, I have long forgotten my password so I couldn't re-post some of the photos that I found to be really interesting.

As usual, "I can relate" na naman ang drama ko. Hehe! So here it goes~~

Sana mabasa mo 'to. Kasi. Wala lang! :)





Monday, September 26, 2011

The Longest Date Ever

With one of my best friends, Caren.

T'was a very long Sunday, indeed! From Resorts World Manila's Bar 360, we wrapped up our seemingly endless conversation at Serenitea (Burgos Circle, Bonifacio Global City). 'Til next time, V! :)

L: Me; R: Caren

Our lunch buffet plates. As usual, mine looks oh-so organized by default. Haha!

Two bands performed that day. But I like the first band wayyy better (on photo). They played two sets of alternative music. It was kind of unusual for the place, but it's my cup of tea. ^^,

Chillin' at Bar 360. No wonder I was stopped by security before we came in, because I reckon that we were the only ones of our age who were in the casino that day. Ooops!

And just when we thought that we'd wrap things up at RWM, we decided to go to Burgos Circle. I had my first taste of Serenitea's Okinawa Grass Jelly Milk Tea with pearl. Yum!


Therefore, me and V agreed that this is the #LongestDateEver in the past 5 years of our friendship. Cheers to more craziness, bb! xx

Reminiscing Fragility

Noong bata pa tayo, nagmamadali tayong lumaki. Ngunit ngayong nandirito na tayo sa katayuang pinapangarap natin noon, gusto nating bumalik ang lahat sa dati.

Sadyang taliwas talaga ang mga gusto nating mangyari sa mga aktwal na bagay, hindi ba?

"Ganyan talaga ang life, it's hard. Bato. Bato. Bato."

(ED: Tagal ng estudyante ko. Ano na kaya nangyari sa kanya? Hmm...)

Moving on >>>

Kung ihahalintulad mo talaga ang nakalipas na ikaw sa kung ano ka na ngayon, marami kang kakat'wang bagay na matutuklasan. Sa dinami-rami kasi ng aking binalak at ipinangako sa sarili, tila wala pang masyadong natutupad. Iba ang landas na tinatahak ko; iba ang estilo ng "pag-atake" ko sa buhay.

Survival of the fittest nga naman, o! So kamote! (pronounced as 'ka-mowt')

Bawat taon ay nagbabalik-tanaw ako sa mga naganap sa aking buhay. No matter how insignificant my existence may be in this vast universe (weh, drama), it's funny how we always think that our lives affect the very existence of this Earth.

Kung iisipin mo nga naman, marahil ay may katotohanan ang bagay na ito. Kung wala ang Diyos, ang mundong nilikha niya para sa atin, at ang mga taong kasalamuha natin araw-araw ay wala rin tayo. At kung wala rin naman tayo, hindi mapapangalagaan ang mundo. Gets niyo ba? Parang 'give or take' concept, tama ba? Basta 'yun!

So. Life's simply amazing! Ilang taon ko nang paboritong usapin ito, pero walang kupas pa rin ang pananaw ko tungkol dito. Naalala ko dati, nagkaroon kami ng isang matalik kong kaibigan ng bangayan ukol dito at ang "existence" ng Diyos. Isang mahabang pagtatalo sa relihiyon. Nagsimula ang debate sa dalawa, hanggang sa umabot sa apat na tao. Apat na oras ng pagtatalo na napunta sa wala. Sa huli, isa pa rin siyang debate. Walang nanalo, wala rin namang natalo. Mabuti nang iwan natin sa ganoon, baka masira pa ang pagkakaibigan e!

>>>

Nagbabalik-tanaw ako sa "so-called" lablayp ko noong mga nakaraang taon. Ang tanong, meron ba?

Let's look back...

Ay teka, huwag na lang pala. Nariyan pa rin ang sakit, pero ang mahalaga ay ang ngayon at ang hinaharap na handa kong tuklasin at yakapin at simutin at... you get what I mean.

Sa mga ganitong bagay ko natututunang maging matatag sa buhay. Dati-rati'y tila "suicidal" ako sa bawat maling mangyari sa akin, kahit napaka-"insignificant" nito - kahit ga-buhangin lang ang tumbas nito para sa ibang tao.

Ang hilig ko kasing magkimkim ng saloobin. Hindi ko ito dati isinisiwalat sa kahit sino, maging sa aking magulang. Parang ako at si Lord lang ang nag-uusap. Puro sermon na nga ang nakuha ko sa kanya e! Chos.

>>>

Gaano ka man nasaktan ng nakaraan mo, ito ang humubog sa pagkatao mo. Kahit "figuratively speaking" e butas-butas na ang pagkatao mo; tila hindi na buo at pakiramdam mo ay wala ka nang maibibigay na karapat-dapat sa susunod na iyong mamahalin - mayroon pa ring tao na handa kang tanggapin kung sino ka. Na handang makipag-sapalaran upang bumuo ng panibagong buhay kasama ka.

>>>

Ang dami kong sinabi. Siyet. Supposedly, hindi dapat ganito ang blog post na ito. Bahala na. Ang gulo kasi ng estudyante ko e!

Again, so kamote.

Thus, I leave you with this quote:

The important thing is this:
To be able at any moment to sacrifice
what we are for what we could become.

**Peace out.

PS. Good read ito. Promise. ---> Sacrifice as the Essence of Love

>>>

Oops. Paumanhin. Makulit. Pahabol lang. Ito ang simple joys ng pagiging isang guro:

(i-click upang makita ang malaking bersyon)

Arigato gozaimasu! :)

Parang Cause & Effect

Weird.

Nahirapan ako sa trabaho ngayon. As in.

Ang labo lang. Ewan. Bakit kaya ganun? *isip-isip*



Is it because of "US"?

O teka, ang bilis ng utak mo. May iba akong pinupunto dito.

Ain't no mistakin'. Fighter kaya ako. Ani mo'y hindi nga lang. *boinks*



Abangan ang susunod na kabanata. :)

Saturday, September 24, 2011

[Prose] Sa Likod ng Anino


Bata... may bumabagabag ba sa'yo?
Wari'y ang tingin mo'y malayo
At malalim ang iniisip mo

Bata... anong nararamdaman mo?
Tila sa iyong isip ay may dayalogo
Ito'y naaninag ko sa mga mata mo

Bata... anong problema mo?
Kumukunot ang iyong noo
Kahit ngumiti ka pa, 'di mo ito matatago

Bigkasin mo lang ang laman ng puso
Nang aking maintindihan ang mga ito
Ako'y nandirito lang sa tabi mo

Kunin mo ang palad ko
Dito ka lang, 'wag susuko
Sabay nating haharapin ang hamon na ito


oOo Faye Garcia oOo
09.24.2011 // 12:30pm //Sabado


(Sarah Horrigan's 'Still')

Friday, September 23, 2011

What Is...?

Hango sa isang wikiHow page. :)

"The only way to know if someone really loves you, is if they accept you for everything that you are. Nothing more and nothing less. No one is perfect but true love accepts the imperfections and your habits."

Paghawi ng Kurtina

Mahirap gumawa ng title. Kainis. Masyadong cliche naman kung isusulat ko ay, "Looking Beyond the Imperfections". Try mo itong i-Google at marami ang lalabas sa search result.

Any-ho.

Matapos ang dose-oras na tulog ko ngayon ay marami-rami na rin akong napagtanto - 'yung mga payak na bagay na hindi natin binibigyang-pansin sa pang-araw-araw na buhay o minsan nama'y binabalewala na lang natin sa pag-aakalang sadyang parete lang ito ng ating buhay.

Siguro'y sasang-ayon kayo sa akin kung aking sasabihin na lahat naman tayo ay mapili sa taong ating ginagawang bahagi ng ating buhay, maging kaibigan man ito, minamahal, kaaway, at kung ano pang kategoryang 'i-label' mo sa kanila.

Lahat tayo ay may hinahanap na 'ideal' kumbaga sa bawat tao. Sa kaibigan, gusto natin ang mga taong nariyan sa lahat ng masasaya at malulungkot na bahagi ng ating buhay - ang mga taong alam ang bawat 'mood-swings' at 'krung-krung' na moments pero tanggap pa rin kung sino tayo lumipas man ang mahabang panahon. Sa minamahal naman, gusto natin ang tanggap tayo kung sino tayo - iyong bang itinatangi ka at tatanggapin ka kung sino o ano ka pa - as simple as that.

Ngunit sabi nga nila, natural na sa tao ang maging mapanuri at mapang-husga. Karamihan sa atin ay mas nakikita pa ang mga pagkakamali ng ibang tao, at hindi ang mga natatanging bagay na kumbaga e magsasabing 'espesyal' ang isang tao.

Hindi lahat ng aspeto ng ating pagkatao ay perpekto. Kaya nga may Yin at Yang, itim at puti, mabuti at masama, mabaho at maganda, etsetera. Ito ang mga bagay na nagba-balanse sa ating buhay. Kung iyong iisipin, matutuwa ka ba kung laging banayad lang ang iyong buhay? Walang challenge, di'ba?

Ang ipinupunto ko lang naman ay lahat tayo'y may kanya-kanyang kaugalian na bagama't hindi maging katanggap-tanggap sa ibang tao ay may iba pa ring bukas ang kanilang palad upang tanggapin kung sino tayo. Halintulad lang ito sa pagkakaiba-iba ng ating mga pangalan, iba-iba ito dahil iba-iba rin ang ating pag-uugali.

At ang pagtanggap na ito ay hindi nangyayari sa isang iglap, marahil para sa iba ay ilang taon ang binibilang nila upang matanggap ng tuluyan ang isang tao sa kanilang buhay.

Gaya na lamang ng iilang malalapit na kaibigan sa aking buhay. Ako ang taong hindi pala-barkada; mas gusto ko ang magkaroon lamang ng iilang taong pinagkakatiwalaan.

Sabi nga sa isang "blog post" na aking nabasa --- kung ang mga "imperfections" lamang ang nagiging basehan, nagiging sagabal ito sa ating pagkakakilanlan sa bawat tao at nakakaligdaan na tuloy nating makita ang mga "greater things" tungkol sa kanila. (Read more here: http://spirituallythinking.blogspot.com/2009/05/looking-beyond-imperfections.html)

At the end of the day, ang pinakamahalaga ay marunong tayong magmahal at kumalinga sa kapwa.

Wednesday, September 21, 2011

La-di-da-di-da

Heto. Last class ko na, at maswerteng hindi makakapasok ang aking estudyante. Well, malas lang dahil hindi siya makauwi dahil sa sobrang lakas ng bagyo sa Japan.

Pero moving on.

Ang emo pala ng 'cyber' liham ko sa'yo. Pero sana 'wag mo ito masamain. Ito lang ang aking nalalamang paraan upang ipahayag ang sarili ko sa paraan na kaya ko. Hindi sa 'di ko ito kaya sa personal... pero kasi... baka hindi ko masabi ang lahat ng saloobin ko sa ganung paraan e.

Anyway. Medyo nahimasmasan na ako. May nakausap na rin akong matino, in fairness. Sabi niya 'wag na lang daw ako mag-aalala masyado sa mga pangyayari. Dapat maging matatag ako. The less I know, mas magiging okay ako. Sabi niya magtiwala daw ako sa'yo. Huwag kong piliting alamin lahat ng bagay, dahil lahat naman ng tao ay may lihim. At dahil sa lihim iyon, dapat ibaon na lang. Kung gusto mo namang ibahagi iyon sa akin ay gagawin mo, ng walang bahid ng pag-aalinglangan.

Sabi rin niya, kaya nga lihim ng nakaraan yun e - dahil nagdaan na iyon. Kung wala na talaga, e di wala. Ang mahalaga ay ang ngayon.

Wow. Ang deep naman. Nalunod ako, napansin niyo ba?

Sige, bibigyan kita ng ika nga "benefit of the doubt". Marahil ay nag-iisip ka ngayon. Pag-pasensyahan ulit ang pagiging paranoid ko. Ganito lang talaga ako. Sorry naman. Sadyang nilikha akong ganito. Sadyang kinagisnan ko na ang ganito. At hindi ako magbabago kung saka-sakali. Ganito ako e, 'take me as I am'.


--------
Hay. Paulit-ulit ang kantang pinapatugtog ko. Iyon pa rin, yung kanta ni Jennifer Hudson. Siguro senyales na ito na kelangan ko nang bumili ng webcam at maging isang YouTube sensation. Ewan. Kelangan ko muna ng "distraction". At hanggang ngayon, kalahati pa lang ang nauubos ko sa tanghalian ko simula kanina. Ano ba 'yan?! *sigh*

Pagpupumiglas: Isang Cyber Liham

This is it.

I'm currently blogging habang ongoing ang second class ko for the day. Hindi dahil sa attention-seeker ako. Hindi dahil sa bored ako. Lalo na't hindi dahil ayaw kong magturo, ngunit sadyang kelangan ko na ng outlet.

Kahit paulit-ulitin ko man ang kwento sa mga taong alam ko ay makakapagpagaan ng kalooban ko ay hindi pa rin ito sapat para maibsan ang sakit, mapawi ang kalungkutan at malunasan ang pagkalito ng puso't isipan ko.

Heto na naman sila, nag-aaway na naman si puso at si isipan. Lintek na arteries, veins, capillaries, grey matter at brain cells 'yan!

Anyway. Here it goes:

Hindi naman ako "psychotic" person. Paranoid lang. Perfectionist nga lang. Matindi nga lang kumalinga ng ibang tao at madaling mahulog ang kalooban.

Sabi nga nila, mahirap daw ako ma-fall. Hindi dahil sa kung ano-ano na lang katangahan ginagawa ko. Pero sobra ako magmahal - hindi 'yung nakakasakal na tipo ng pagmamahal. Nagiging sobra nga lang to the point na bulag-bulagan na.

Ewan. Hindi ko alam kung sino pagkakatiwalaan ko.

Ako? Malamang hindi. Magaling ako magbigay ng 'advice' sa ibang tao, tumpak at saktong-sakto pa. Hindi sa nagmamayabang ako, pero makailang-beses na rin itong nabanggit sa akin. Pero mukhang mas maayos na munang 'wag kong pagkatiwalaan ang sarili dahil baka wala na rin ako sa tamang katinuan upang gumawa ng desisyon.

Ikaw? Ewan. Hindi ko nga alam ang nilalaman ng puso't isipan mo eh. Hindi kita mabasa. Parang ang layo mo, para kang nasa kabilang panig ng universe, ako naman nasa core ng Earth. Parang ganun. Hindi ako sanay na ganyan ang pakikitungo mo sa akin. Marahil ay dahil abala ka sa ibang mas importanteng bagay, pero ano naman yung bigyan mo ako ng "heads up" para lang mapanatag ang kalooban ko? Ikaw na rin ang nagsabi na nasa akin ang pagpapasya sa mga pangyayari, pero dalawa tayo dito sa bagay na ito - hindi lang ikaw at ako, ngunit TAYO. Ngayon pa't marami akong nababasa sa kaka-browse ko sa lintek na imbensyong itong tinawag na internet. Hays. Naman talaga. Ano na ba?

Sila? Malamang oo, most likely hindi. Wala naman sila sa katayuan ko. Hindi naman sila kasama sa relasyong ito. Kaya nga tayo eh, hindi 'sila'. Three's a crowd nga eh. Labo lang. Kahit ipukol nila sa makitid kong utak ang dapat gawin, nasa akin pa rin ang pagpapasya. Nasa atin pa rin ang desisyon upang pagbutihin ang mga bagay-bagay.

Sabi mo nga, walang bawian di'ba?






Pero teka. Teka. teka. Wait a minute kapeng mainit na hindi ko nainom kaninang umaga dahil sa matinding sakit ng t'yan at pagkahilo ---

Two days pa lang naman eh. Ang drama ko lang.

Sana may magbago. Sana magsalita ka. Sana... mahal mo talaga ako. Or something like that.

Ayoko na kasi ng paligoy-ligoy pa. Gets mo ba? Hindi ako nanglilimos ng awa o pagmamahal. Gusto ko lang na maunawaan mo ang mga saloobin ko. Gusto ko lang na maintindihan mo kung bakit minsan iba ang pakikitungo ko. Hindi dahil sa ayaw ko na, hindi sa tinataboy kita... gusto ko ngang lumapit ka sa akin para tanungin kung ano ang meron.

Gusto ko lang malaman mo na mapapagkatiwalaan mo ako, at ganun din naman ako sa'yo.

Nandito lang ako... kung saan mo iniwan.

Sabi ko nga sa'yo, may hindi ka sinasabi di'ba? Eto na yung hindi ko ma-describe sa isang mensahe ko sa telepono mo.

Gusto ko na sana tapusin ang 'cyber' liham na ito. Pero ewan, type pa rin ako ng type. Ang gulo ko rin kasi eh.

Napakaikli kasi ng pasensya ko sa paghahantay. Gaya mo. Alam mo yun?

Sige na, eto na. I'll leave it at that muna.




Uulitin ko lang, nandito lang ako.


- Faye

(Ayan, tapos na ang isang oras na klase ko. Ngayon, balik sa realidad ng mga bagay-bagay. Nakikinig sa kanta ni Jennifer Hudson na "If This Isn't Love". Ang ganda e! Walang aangal! Hindi ako emo, maarte lang. Chos.)